Saturday, November 6, 2010

Handa Na Ang Lahat

manny pacquiao fight Manny Pacquiao Fight LOS ANGELES --- Isang magandang araw ang aking nais ipahatid sa bawat pinto ng inyong mga tahanan at nawa ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon.

Halos siyam na araw na lang ang nalalabi at susuungin na naman natin ang isang matinding pagsubok sa ibabaw ng ring. Haharapin natin ang dambuhalang si Antonio Margarito para sa bakanteng korona ng World Boxing Council seper-welterweight division sa Nobyembre 13 at nais kong ipabatid sa inyo ang aking kahandaan sa laban.

Lilipad ang aking koponan patungo sa Dallas, Texas sa Lunes, Nov. 8, at doon namin tatapusin ang paghahanda para sa pag-asinta sa isa sa pinakamalakaing record sa larangan ng boxing—ang paghangad sa ikawalong world title sa ikawalong magkakaibang weight division. After all the hard work, we are starting to cut down on heavy training as we aim to be a hundred percent ready for the fight at the modern Cowboys Stadium in Arlington, Texas.

Pagkatapos ng siyam na rounds ng sparring kahapon, masasabi kong malapit ko nang makuha ang pinakamataas na antas ng kahandaan sa anumang maaaring idulot na hamon ni Margarito, ang kampeon ng Mexico na bukod sa mas matangkad sa akin ay mas di hamak na malaki sa laban at pangangatawan.

Pero kahit na ganoon kalaki ang kalamangan ng ating makakalaban, excited na akong harapin ang isa sa pinakamatinding pagsubok ng aking 15-taong boxing career dahil maganda ang paghahanda namin kasama ng aking team.

Read Full Story >>

The copyrighted work at issue is the text that appears on http://philboxing.com/news/columns.php?aid=1130&id=46117

No comments:

Post a Comment